Tayong Dalawa - madamdaming pagwawakas

Congratulations sa lahat ng cast and crew ng Tayong Dalawa.

Talagang inabangan ng marami nating mga Kapamilya ang pagwawakas ng nangungunang teleserye sa buong bansa.

Patunay nito ang pamamayagpag sa ratings ng Tayong Dalawa all over the Philippines. Maging sa survey ng AGB Nielsen sa Mega Manila na usually dominated ng mga kagitgitang show ng ibang networks, taob silang lahat sa last episodes ng Tayong dalawa.

Malaki ang chance na maipapalabas din ito sa ibang Asian countries gaya ng mga nagdaang Kapamilya tele-serye gaya ng Pangako Sayo, Sana'y Wala ng Wakas, at Sana Maulit Muli na naging mga top-raters sa ibat't ibang Asian countries maging sa North and South America at nakarating pa ng Africa.

Aabangan naman ngayon ang malaking tambalan nina Piolo Pascual at KC Conception sa Philippine version ng Lovers in Paris. Siguradong aabangan din ito para sa kakaibang twists sa istorya at syempre ang power house cast.

At kapag Proudly Kapamilya made,world class ang dating.

  © Blogger templates The Professional Template by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP